top of page

History of MSAT

School logo.png
MSAT%20LOGO_edited.png

Ang ating paaralang Malvar National High High School na ngayon  ay Malvar School of Arts and Trade ay halos dalawang dekada nang nagbibigay ng dekalidad na edukasyon partikular sa pagpapanday ng kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng Teknikal at Bokasyunal.

 

Taong 2001, sumibol ang pangalang Malvar National High School sa pagnanais na mapanatili ang pampublikong sekondarya sa bayan ng Malvar sa gitna ng kasagsagan ng implementasyon ng Republic Act 9045. Nasaklaw ng batas na ito ang Jose P. Laurel Polytechnic College na dating Jose P. Laurel Memorial School of Arts na maging isa sa mga ‘campuses’ ng Batangas State University at naghudyat sa pagtatangal ng edukasyong sekondarya sa JPLPC. Ito ang nag-udyok upang ang 41 guro ay hindi sumama at di manatili sa ilalim ng BSU.

 

Sa loob ng halos apat na buwang pakikipag-ugnat sa iba’t –ibat personalidad at mga ahensiya ng pamahalaan lalo’t higit sa Kagawaran ng Edukasyon, ang mga guro, magulang at lokal na pamahalaan ay nanindigan at ipinaglaban ang prinsipyong manatili at maitatag ang paaralang Malvar National High School. Noong Mayo 08, 2001 ay pormal na binuksan ang paaralan upang bigyan ng daan ang 838 na mag-aaral na makapasok ng libre sa MNHS.

 

Matapos ang tatlong taong pananahimik sa usaping MNHS at BSU, muling umalingawngaw ang sigalutan ng dalawang institutusyon kung saan ay pinapaalis ang MNHS sa lupang kanyang kinatatayuan. Muling nakibaka at nanindigan ang mga guro kasama ang buong sambayanan na manatili ang paaralan sa bayan ng Malvar. Dahil sa matinding iringan at di pagkakasundo ng dalawang paaralan, umabot sa korte ang pagdinig sa usapin. Sa huli ay kinatigan ng korte ang pagpapanatili at pag-uukopa ng MNHS sa kanyang kinatatayuan.

 

Ang isang dekadang pakikipaglaban sa karapatan ng paaralan at ng mga mag-aaral ay pansamantalang natuldukan sa pamamagitan ng isang ‘Amicable Settlement’ sa harap ng dating Congressman Sonny Collantes at dating Mayor ng bayan ng Malvar, Dr. Carlito Reyes kasama ang pamunuan ng MNHS at BSU noong Enero 2011.

 

Makalipas ang walong taon, naibalik ang orihinal na pangalan ng MNHS sa trade school, ang Malvar School of Arts and Trade sa bisa nang pinagtibay na Resolusyon ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan na sinusugan nang Pangrehiyon ng Kagawarang ng Edukasyon sa pangunguna ng kasaluyang punong guro ng paaralan, Dr. Mary Jane M. Gonzales.

 

Sa kasalukuyan ang MSAT ay nanatiling matatag na daluyan ng karunungan sa bayan ng Malvar at karatig bayan nito at isa sa 282 na teknikal at bokasyunal na paaralan sa buong Pilipinas na patuloy na pinaiiral ang implementasyong ng Strengthened  Technical – Vocational Education Program (STVEP).

IMG_4290.JPG
kisspng-department-of-education-deped-gi

We dream of Filipinos
who passionately love their country
and whose values and competencies
enable them to realize their full potential
and contribute meaningfully to building the nation.

As a learner-centered public institution,
the Department of Education
continuously improves itself
to better serve its stakeholders.

To protect and promote the right of every Filipino to quality, equitable, culture-based, and complete basic education where:

Students learn in a child-friendly, gender-sensitive, safe, and motivating environment.
Teachers facilitate learning and constantly nurture every learner.
Administrators and staff, as stewards of the institution, ensure an enabling and supportive environment for effective learning to happen.
Family, community, and other stakeholders are actively engaged and share responsibility for developing life-long learners.

Maka-Diyos
Maka-tao
Makakalikasan
Makabansa

CORE VALUES

VISION

MISSION

bottom of page