MALVAR
SCHOOL OF ARTS AND TRADE
Announcements
About
Ang ating paaralang Malvar National High School na ngayon ay Malvar School of Arts and Trade ay halos dalawang dekada nang nagbibigay ng dekalidad na edukasyon partikular sa pagpapanday ng kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng Teknikal at Bokasyunal.
Taong 2001, sumibol ang pangalang Malvar National High School sa pagnanais na mapanatili ang pampublikong sekondarya sa bayan ng Malvar sa gitna ng kasagsagan ng implementasyon ng Republic Act 9045. Nasaklaw ng batas na ito ang Jose P. Laurel Polytechnic College na dating Jose P. Laurel Memorial School of Arts na maging isa sa mga ‘campuses’ ng Batangas State University at naghudyat sa pagtatangal ng edukasyong sekondarya sa JPLPC. Ito ang nag-udyok upang ang 41 guro ay hindi sumama at di manatili sa ilalim ng BSU.